Miyerkules, Setyembre 7, 2016

Sitwasyon ng wika sa Pilipinas

Sa aking palagay hindi gaano nagagamit ang ating wika sa Pilipinas dahil sa iba't ibang lengguwahe na nabubuo ng mga kabataan ngayon at nakakalat pa sa ibang tao. Ang ating sariling wika ay dapat na mas nabibigyan ng pansin o mas kailangan gamitin ng higit pa sa mga salitang nakukuha lamang sa mga social media o naiimbento ng mga tao sa paligid naten o mga artista. Kadalasan din nating ginagamit ang Ekolek na sinasalita sa loob ng bahay. Kung nakikita at napapansin niyo, may mga pagkakataong kailangan ng gamitin ang sariling wika subalit mas nananaig pa rin ang mga salitang kahit kailan ay hindi naging parte ng ating mismong wika. Kung inyong iisipin ang pinagmulang ng wika at hirap ng mga taong nagbigay o nagbuwis buhay upang sa ating pagakakaroon ng sariling wika na ngayo'y nasisira ng dahil sa mga salitang di malaman laman kung saan ba nagmula at nabubuo. Hindi naman masama ang pagkakaroon ng mga salitang nabubuo sa bawat pangkat subalit ito'y makasasama kung atin ng kakalimutan ang Wikang Filipino na dapat ay ating ginagamit na wika at ibinabahagi. Sana ay gamitin nating muli ang ating wika ng nasa wasto at ibahagi sa iba ang kahalagahan nito upang maibalik natin ang ating wika at pagkakaroon ng mas pagkakaintindihan o maging sa pagkakakilanlan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento